Pagpili ng curso sa college
Halos lahat ng tao ay nadaan sa prosesong ito, sa kasamaang palad 'di lahat tayo ay napupunta sa course na gusto natin. Dahil sa kahirapan ng panahon ngayon ang halos na iniisip natin ay kung anong course sa college ang magiging paraan upang magkaroon ng trabaho na kung saan ako kikita ng malaki. Isa din ito sa naging malaki kong problema ko sa kasalukuyan, nung ako'y 16 yrs old, kakatapos ko lang grumaduate ng high school, 'di ko pa alam kung anong course ang kukunin ko di ko din alam kung ano ang gusto kong traboho sa future. Nakinig na lang ako sa mga sinabi sa 'kin ng ate at kaibigan ko, dahil nung una gusto ko mag HRM kaso dahil sabi ng iba na matutulad din ito sa nursing na maooverload din ang course na 'to, at na pagnaghrm daw ako kababagsakan ko lng ay housekeeper. Nung marinig ko yun atras kaagad ako, dahil ayoko naman ng ganun sabi ko sa sarili ko, "mag-aaral ako ng 4 yrs sa college tapos yun lang kababagsakan ko?!" at dahil dun napunta ako sa unang course ko ang business management, unang semester palang palaka na ko, mga major ko bagsak, napansin ng ate ko bakit puro absent ako. Kinausap nya ko kung gusto ko daw ba talaga ang course ko, inamin ko sa kanya na hindi ako interesado. Tumugil ako ng isang semester para alamin ang gusto ko, bagot na bagot ako sa bahay at napagisipan ko na gusto ko mag-aral ng pagluluto. Pero masyadong mahal ang tuition dito, sinabi naman sa 'kin ng mama ko bakit 'di ko daw subukan maging nutritionist, eto naman ako si tanga sumunod, nakahanp ako ng school na may nutrition at culinary. Nagsayang ako ng 3 yrs sa course na 'to dahil 'di ko sya gustong maging trabaho sa future. Aaminin ko masaya na matuto ng mga nutritional na bagay na 'di ko alam noon, pero yun lang sya sa akin masayang malaman pero ayokong pagaralan..."sigh" Na "frustrate" ako sa sarili ako, ito ako nagsayang ng apat na taon sa mga course na 'di ko gusto at ang mga kaibigan ko mga nagsigraduate at maghahanap na ng trabaho, napakabigat sa loob ko. Bakit ko sa inyo kinwento 'to, dahil ayoko matulad kayo sa pagkakamali ko. Kung kayo ay may gustong bagay wag nyong pagdudahan yun, wag din kayo sumuko, wag kayong pumayag na gawin ang 'di nyo gusto. Kasi kayo din naman ang mahihirapan sa huli, 'di ibang tao. Natutunan ko 'to in a hard way, nakinig ako sa ibang tao 'di ako nakinig sa sarili ko, ayan tuloy nagsayang ako ng 4 ng taon. Guy's kung pipili man kayo ng course sa college alamin nyo muna kung ano ang gusto nyong trabaho pagkatapos nyo ng college, dahil ang college 4 yrs lng yan pero ang trabaho nyo panghabang buhay na yan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento